


Tula na may sumpa
Ang kanyang ate ay dugo ang isinuka at ang bunso naman ay apoy ang idinura.
Ang bunsong si Tomino, alahas ang ibinuga.
Ngunit sa impyerno pa rin siya naglakbay na mag-isa.
Namatay sa daigdig na walang liwanag, wala ni anumang nakiramay na bulaklak.
At ang ate ni Tomino lamang ang umiyak nang umiyak.
Hitik sa pangamba ang mga pantal at marka.
Humahagupit, lumalatay sa bawat kulata.
Ang landas ng walang katapusang impyerno ay iisang direksyon kapag tinutungo.
Humingi ng gabay, sa dilim magdasal.
Kausapin ang gintong tupa, habang walang nakikita.
Gaano man karami ang laman ng bagahe, ihanda ang sarili sa mahabang biyahe.
Darating ang hamog habang nasa bangin na mapuno.
Pitong landas na madilim ang talampas ng impyerno.
Nakahawla ang panggabing ibon, ang tupa ay nasa kariton.
Habang ang luha ni Tomino, sa pisngi dumadaloy.
Tumangis ka sa ulanan, oh ibong panggabi, maririnig din sa gubat ang tinig ng mahal niyang ate.
Sa impyerno gagapang ang alingawngaw ng iyak.
Yayabong at uusbong, ang kulay dugong bulaklak.
Sa pitong kabundukan at mga talampas, mag-isa pa rin si Tomino sa pagtahak-tahak.
Sasalubungin siya sa impyerno sa hampas ng karayom ng bundok.
Sariwang sugat sa laman niya ang mahapding uumbok.
Ito na ang hudyat na ang munting si Tomino, nakarating na sa bunganga ng impyerno.
****
Ang tulang ito ay kinatha ni Yomota Inuhiko at napasali sa aklat na 'The Heart Is Like A Rolling Stone' noong 1919.
Walang nakapagsabi kung saan nanggaling ang sumpa na sinumang babasa nito nang malakas ay mapapahamak.
Academy of Magic
Tomino's Hell sa salin sa Tagalog ni Benjie Felipe:

